Huwebes, Marso 10, 2016

Sino ang Pilipinong Kabataan?



Ang kabataang Pilipino ay isinilang na may galang, na may respeto at higit sa lahat lumaking may takot sa Diyos. Sila'y isinilang upang gawin ang mga bagay o misyon na dapat nilang tugunan dito sa ating mundo. Kung ating babalikan ang isang kasabihang “Ang kabataan ay pag-asa ng ating bayan”, sila'y ating tulungan upang mahubog ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga karanasan. Ang mga kabataan ay dapat na may sapat na kaalaman ukol sa pagpapamilya dahil ang pag-aasawa ay hindi parang isang mainit na kanin na kapag napaso ka ay kahit anong sandal ay pupuwede mo siyang iluwa. Ang pagpapamilya ay isang napakabigat na responsibilidad sa kung sino man sa atin lalung-lalo na sa mga kabataang nalalagay sa alanganing sitwasyon na nagyayari sa kanilang buhay.


Ang kabataan ay nararapat na magtamo ng mga magagandang karanasan mula pa lamang sa kanilang pagsilang. Nararapat na sila’y  maalagang maayos, makatapos ng kanilang pag-aaral, makahanap ng angkop na trabaho at ang lumagay sa tahimik na pamumuhay kung nais na nilang bumuo ng sarili nilang pamilya at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

Ngayon, bihasa ang mga kabataan at pawang mga eksperto sa makabagong teknolohiya, ngunit nawa'y maging bukas din ang ating isipan sa mga problemang hindi lang pansarili kundi sa problemang may kinalaman sa ating lipunan.

Sa nalalapit na Eleksyon 2016 ay kailangan na naman ang ating boto. Ang boto nating mga kabataan ay siyang boses ng pagbabago. Huwag nating i-pokus ang trabaho, gawain sa bahay at pag- eeskwela lamang dahil tayo din ay may responsibilidad sa mga pangyayari sa ating bayan.

Bilang isang kabataan, maaari nating mabago ang ating bayan kung tayo ay boboto ng maayos at may paninindigan. Maniwala tayong mas malawak at mas maparaan tayong mga kabataan.

Magiging maganda ang ating kinabukasan kung mapipili natin ang karapat-dapat na mamumuno sa ating bayan. Baguhin ang mga nakagawian na, magsaliksik ng mga impormasyon at huwag papadala sa mga mabubulaklak na salita.

Hayaan nating makagawa ang isang maliit na hakbangin para makamit ang pagbabagong inaasam atin.

Reliable source:
https://www.abante-tonite.com/issue/Oct2712/edit_shy.htm#.Vt7UzpHQHJs

1 komento:

  1. Exactly! Swak na swak po sakin bilang isang Kabataang Pilipino. :)
    #KilosKabataan!
    #MayMagagawaKa!

    TumugonBurahin

Tara! Makipagtalastasan at umaksyon!