Biyernes, Marso 11, 2016

Tingkayad


Noong isang araw, nagkaroon ng debate sa CFA (Communication Foundation for Asia) bilang bahagi ng Aksyon Kabataan Youth Summit 2016. Habang nagpapatuloy ang pagpapalitan ng ideya, napansin ko na halos lahat ng mga kababaihan na hindi masyadong pinagpala ng tangkad ay tumitingkayad upang maabot ang mikropono at  maipahayag ang kanilang saloobin sa mga isyung pinag-uusapan



Madalas kailangan nating tumingkayad upang maabot
ang mikropono para maiparating sa lahat ang ating saloobin


Parang ganito din ang karamihan sa lipunan--maliliit at di nabibigyan ng pagkakataon para pakinggan. Ikaw at Ako madalas ganito. Kailangan nating magsumikap. Kailangan nating banatin pa ang ating mga buto at prinsipyo upang mapansin at maipahayag sa lahat ang ating adhikain sa ngalan ng pagbabago.

Kailangan nating mag-effort upang makaalam, Kailangan nating mag-effort upang maki-alam. Kailangan nating mag-effort upang mabatid ng lahat ang ating nais mangyari--upang tayong lahat ay kolektibong makalahok sa pagbabago ng bansa.

Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa labang ito ng pagiging kabataan, mamamayan, at Filipino?

Handa ka na bang humarap sa mga hamong ito.?

Nasa iyo ang kasagutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tara! Makipagtalastasan at umaksyon!